r/adviceph•
Ushijima_23

Paano ko sasabihin kay grandma ko na gusto ko magpa-check for PCOS?

Health & Wellness

Problem/goal: I think I have PCOS and I am scared to ask my grandma to accompany me for a check up.

Context: Hi, I am a 17 year old student. Turning 18 on April. I think I have PCOS. It all started last year, February 2025. I was 16. Nagbloat po ako nang malala, and nawala iyon but bumalik around May and naging mapuson na rin po ako kaunti that time. Naging mas oily po skin ko. Since 15 years old pa po ako may problem sa acne and humupa naman po siya nung 16 ako, but lumalala nanaman po siya ngayong 17 na ako. Especially sa cheeks, chin, at noo. Tinutubuan na rin po ako ng pimple sa chest, anit, leeg, batok, at likod, may tiny bumps na rin po. Ngayon lang po iyan. Napapansin ko rin pong kumakapal yung bigote ko konti since my bf pointed it out. Tinutubuan na rin po ako ng buhok sa likod, wala po iyon dati. Yung buhok ko po sa pagitan ng boobs at pababa papuntang pusod, kumapal din po konti. Yung buhok ko po sa legs, humaba. Tinubuan din po ako ng buhok palibot ng nipples ko. Bloated pa rin po ako ngayon. Mag 1 year anniversary na po kami ng bloating ko, hahaha. Tumaba rin po ako, especially sa arm, inner thigh, at lalo na sa tiyan. Parang lumapad po ako at laging bloated. Mapuson din po. And if flat po tiyan ko, may puson fat. Hindi po ako ganito dati. Lagi rin po akong nagccrave sa matamis right after kumain, especially milk tea.

About my period po, regular ako. Normal, may clots po. I noticed na mas maclot po ako for the past months. Especially now. 5th day ko po ngayon ng period, and no bleeding but nung first to third day ko po, may clots. Latwly rin, I feel moody and irritated.

Sa bloating po, I tried chia seeds but lumala lang po. Nestea cleanse and hindi po gumana sa akin. I confided na rin po sa mga kakilala kong may pcos, and sabi po nila na baka meron daw po ako. Nagresearch na rin po ako and lots of symptoms match what I currently experience.

Natatakot po ako magsabi sa Mommy ko. Kasi siya po yung type ng tao na magagalit sayo at magsasabi ng masasakit na salita kapag need mo po magpacheck up. Kesyo nakakaabala raw po sa kaniya. How can I tell her? Or wait po ako til I am 18 and go to a clinic alone? Thank you!

Posted Jan 27, 2026, 1:55 PM UTC

33
Loading comments…