Tita kong pakialamera
May tita akong nakitira samin ng 4 days dito sa apartment kasi nalulungkot sa probinsya. 1 week sya dapat samin kaso pinalayas namin agad di namin kinaya ugali.
Unang gabi nya dito, kinalkal nya lahat ng mga drawers sa sala. Nakakita sa side table ng lighter at biglang nagratatatat ang bibig nya at pinagbibintangan kaming nagyoyosi. Galit pa yon sya kasi ayaw daw ng amoy ng sigarilyo at wag na wag daw kami magsisindi habang andito sya sa bahay.
Hindi naman kami nananagarilyo?? Para sa mga scented candles ko yon lalo na pag gabi kasi malamok??
Kinalkal din nya mga gamit namin sa cr. Pinagsalitaan na naman ako kasi kotex at tampons ang ginagamit ko sa kifayla ko. Kesyo ang mahal mahal daw, sya nga daw those days lang ang gamit. Tapos pa tampon tampon pa daw ako, luluwag daw ang fokelya ko.
Kasalanan ko bang nagkakarashes ako sa ibang napkins?? Saka ano naman paki nya sa kifayla ko? Inaano ba sya neto??
Nung minsang nagluto kami ng tinola na walang papaya or sayote, nainis na naman sya. Nilait kami at sinabing sayote man lang daw di pa kami makabili eh kung ano anong mga anik anik daw nabibili namin.
Eh ayaw namin parehas ng sayote??
Nung pangalawang gabi nya monday yon, nagalit sya sa partner ko. Wfh kasi kami parehas at yung pc ko nasa kwarto, yung kay partner naman nasa sala katabi ng sofabed kung san sya natutulog. Nagsisisigaw bigla na wala respeto partner ko. Walang galang daw sa natutulog, ang ingay ingay daw magtype at magclick click. Nagsorry kami pero kinabukasan nag usap na kami ng partner ko na paalisin na sya kasi pinapakialaman na nya masyado buhay namin.
Kinabukasan kinausap ko sya pagtapos namin mag almusal na kung pwede umuwi na muna sya sa kanila kasi di sya makakatulog ng maayos dito dahil night shift partner ko at wala naman maggawa dito masyado din dahil liblib ang pwesto namin. Nagalit na naman at pinapalayas daw sya. Wala daw akong galang, walang utang na loob, pati yung pagpalit nya ng diaper ko nung baby ako naisumbat na pero tinanggap ko nalang.
Nung huminahon sya sabi ko nalang ihahatid namin sya ng partner ko sa sakayan bukas at bibigyan ko sya pamasahe pauwi. Hindi kami kinibo ng partner ko at lumabas sya ng bahay. Medyo nag alala ko kasi di naman sya tagadito, baka maligaw o mapano pero umuwi din ng gabi at deretsong natulog kahit inaya namin magdinner ng nilaga. Sabi ni mama paborito nila yon eh.
Kinabukasan nakaimpake na agad sya at ready na umuwi. Pag abot ko ng 1k nung pasakay na syang bus hinablot sakin. Walang paalam, walang lingon, deretso paakyat ng bus.
Nakaka guilty pero di namin kaya ng partner ko may kasamang ganong sa bahay dahil tahimik lang kaming dalawa palagi.
Posted Jan 27, 2026, 1:57 PM UTC