Globe unpaid post paid plan

“Ms. (name ko) ,tama ho ba? sa Municipal Police station ho ito. pwede ba kayo makapanayam? may urgent filing sa inyo.

PSSG. Robert Dela Peña”

Tumawag siya 9 am then ni call back namin, tinatanong namin kung (place) municipal police station ba talaga ‘yon kasi ayon ang sabi sa text. Hindi sinasagot tanong namin tapos hinihingi ‘yung number ko kung saan sila nag text (ibang number kasi ginamit namin sa kanila pang call) ang sabi is from company daw and siya raw si robert kineme. Meron akong globe post paid plan na hindi ko na binayaran kasi from 12k to 30k ang dapat ko i settle sa buwan na ‘yon. Hindi ko naman ginamit sa ibang bansa ‘yung sim ko sa kanila :) nag email na rin ako sa kanila before, asking them kung bakit ganoon ang naging bill ko sinabi nila na active raw ‘yung sim kahit na sa ibang bansa ako e hindi ko naman talaga ginamit ‘yung service nila nung na sa ibang bansa ako. Tumawag ulit ‘yung robert then may sinabi siyang name ng attorney na kausapin ko raw pero wala sa list ng mga atty. Tinawagan ko ‘yung number then nung sinabi kong wala siya sa list ng attorney pinatayan ako ng call. Tumawag ulit ‘yung robert tinatanong kung anong na pag usapan blah blah blah and nagagalit na siya kasi pinipilit ko na pupuntahan ko na lang ‘yung office nila para makapag usap ng maayos pero ang sabi sa akin thru call lang kasi busy siya? haha pwede ba ‘yon lol. Btw breach of contract daw, anyone na may same issue? Makakasuhan ba ako nito? willing naman ako mag bayad pero tanggalin nila ‘yung mga ni ano nilang hindi ko naman talaga na gamit.

Posted Jan 30, 2026, 5:08 AM UTC · locked

11
Loading comments…