Mabigat sa loob
Hi. Pa vent tapos pahingi na din ng advice.
25 years ago, nakatira lang kami sa compound ng family ko. Daddy, mommy, ate, at kuya. Nakikishare kami sa lola ko nun ng lupa
Both working ang parents namin so ang nag silbing guardian namin ay yung yaya lang. yung lola naman busy sa pag alaga dun sa ibang apo.
Madami kaming bad memories ng mga kapatid ko dun. Bukod sa verbal abuse, may physical abuse din. I remember nung nag aalmusal kami ng isa kong kuya at yaya namin bigla nalang pumasok si lola at hinubaran ng shorts kuya ko (he was like 7), tapos nabagok ulo niya kasi hinubaran siya habang nakaupo sa pinagpatong patong na stool chair. Sabi niya “ang ingay mo!” Eh ang taas na nga ng sikat ng araw nun :/
Meron pa nung pinatulong niya kong mag ayos ng garden niya at tinapunan niya ko ng malaking bato sa kamay. Sobrang sakit. I was like 6 or 7 basta kinder 2 ako nun. Naalala ko din na pinalo niya sila kuya ng matinik na veins kasi makulit daw. Kahit di naman siya ginugulo. Naglalaro lang sila nun sa labas. Basta sobrang daming abuse.
Nung nag 8 ako lumipat agad kami sa pinapatayong bahay kahit di pa 100% tapos.
Years later umokay na buhay. Nakapag tapos kaming lahat. VA kami pero dlawa samin manager na. Sobrang komportable na. Bumukod ako kasi may ka live in na ko, tapos yung dalawa kong kapatid nasa Manila. Tapos yung isa kong kuya ang naiwan sa bahay. Retired na sila mommy.
Ngayong tong lola ko nagkasakit at pinag aambag kami. Sa totoo lang, andito pa din yung grudge namin sa kanya. Grabeng trauma ang binigay niya samin pero kasi close pa naman ako sa ibang kapamilya ko, hindi lang sa kanya. Hindi ko alam pano tumanggi kasi mabigat tlga sa loob ko na mag ambag.
Posted Jan 30, 2026, 5:11 AM UTC