How to set boundaries again?

Love & Relationships

Problem/Goal: Malapit na kasi kami lumipat ng bahay, apartment na very near sa inlaws ko. So yung apartment na yon ay rent to own (whole house kasi sya). And yung husband ko gustong gusto yung bahay kasi sobrang good deal nya. At ako man, gusto ko din talaga, ang mura na for its price tapos sobrang laki ng lote at ang ganda na talaga ng bahay. And right now nageenjoy akong nagdedesign ng furnitures namin and plant ng halaman dahil growing up nga wala naman kaming ganito sa sarili naming bahay. All is good na dapat diba.

Kaso ang problema ko, di ko masabi sa husband ko na kaya ako alangan pa talaga sa pagtuloy ng bili don is dahil ang lapit masyado sa mga magulang nya. We will have a month to decide wether we will just rent it or tuloy bili na (pag nagsabi kasi kaming kukuhanin na namin, eh yung monthly na ibabayad namin until maapprove loan ay ibabawas na sa total-advantage)

Alam ko, communucation is the key kaso hindi ko masabi sabi sa kanya ng deretsahan na kaya baghhold back ako kasi nandon parents nya, need ko pa daw araw araw na makita kahit hi hello man lang daw since ang lapit na nga namin, likuran lang halos ng bahay nila 🥲. Kasi syempre magulang nya pa din yon, hard pill to swallow to. Naging close kami tapos ngayon ang hirap gumawa ng boundaries. Kaya mainam pa talaga di nalang nakikipagclose sa in laws lol.

Yung mother kasi nya sobrang pakialamera talaga. As in. Tapos kada may bisita ako or even mga magulang ko parang di ko maimbita don ng hindi dumadaan sa kanila (like literal at figuratively) may one time pa gusto ko kami lang ng parents ko nandon sa house pero since close close silang magbabalae, sumama din si MIL sa bahay nung bumisita.

Pero sa part ng husband ko, 2 years kaming nakatira dito sa amin and alam ko na mahirap din for him, sinasabi nya naman sakin na wala syang masasabi sa ugali ng parents ko pero yung thought na syempre iba pa din yung nakabukod eh saka alangan ka pa din kumilos, nandon yung hiya.

Pakiramdam ko nga ang sama ko eh, ang bigat sa loob ko, or any advice or new POV na baka meron kayo sa mga ganito, tinatry ko naman talaga tiisin or ibrush off si MIL madalas kaso ewan ko ba kung bakit yun talaga ang main reason na hindi ako makaoo oo sa pagbili nung property, hay.

Siguro main question ko din ay pano ba magset ng boundaries kapag dun na kami nakatira? (Considering na meduo close kami)

Posted Jan 30, 2026, 5:11 AM UTC

15
Loading comments…