financial mess, need advice in loans and savings
Problem/Goal: My mom has so much loan and is always asking for "help" in paying them now that I have a job
Nakakafrustrate lang kasi i just got hired barely 3 months ago, and hindi naman ganon kataas ang sweldo dahil I'm a fresh grad with no work experience. 9k lang per 15 and 30th ang net pay ko.
Nag uumpisa na yung kinatatakutan kong ako ang sasalo na magbabayad ng mga kinuha nilang hulugan at cash loan sa home credit, spay, at kung saan saan pa. Is it selfish of me to refuse? How do I even refuse such a request na hindi sila mag iisip na wala akong utang na loob?
Wala nang natitira sa sahod ko, every cutoff na lang laging may due na babayaran. And I'm not expecting either na mabalik pa yung mga "pinahiram" ko. I am trying my best naman to contribute sa utilities and groceries pero pati ba naman yung loans na hindi naman ako ang gumamit is ako rin ang magbabayad.
Nakakalungkot lang kasi may mga personal financial goals akong sinet for this year pero parang wala nang pag asa, wala nang napupunta sa savings ko. Kahit anong disiplina at pagtitipid ata gawin ko hindi na nadadagdagan dahil lagi kong pinapahiram. Nababawasan pa everytime may emergency na babayaran
Posted Jan 30, 2026, 5:22 AM UTC