bagot na bagot
After 30 days, ngayon nalang ulit ako nakadalo sa lokal. And aaminin ko na minsan nagdodoubt pa ako na baka mali ang desisyon ko (takot ako mapagalitan ni mama) pero ngayon natatawa na lang ako kasi ginugol ko pa oras sa buhay ko para isipin ang rason eh alam ko naman sa sarili ko na ayaw ko na talaga sa lugar at sistemang ito.
Bagot na bagot na ako hindi dahil wala akong patience kung hindi dahil alam ko sa sarili ko na ayaw ko mag gugol ng oras dito. 9:19 na pero AVP pa rin, anong oras kaya ito matatapos?
Sa susunod na hindi ako makakadalo hindi ko na iisipin na "dapat dumalo ako" kasi sa totoo lang wala naman na talaga akong ineexpect pa, pare parehas lang naman ang nangyayari. Hindi na ako maguguilty kasi hindi naman yun guilt, fear at manipulation yun.
Tanging hangad ko nalang ay peace of mind. Kung capable lang kasing tumanggap ang pamilya ko ng opposition at disagreement sa paniniwala nila eh di sana mas genuine na sarili ko ang maipapakita ko sa kanila.
Pwede naman mag coexist kahit hindi parehas ang paniniwala diba? Nakakalungkot talaga na ganito ang mentality ng karamihan sa mga kapatid pero yeah.
Rant lang dahil ang tagal pa bago makauwi.
Posted Jan 31, 2026, 1:27 PM UTC