Sobrang OK ako sa company ko ngayon pero parang lately napapaisip na ko.

Compared sa ibang company na napuntanhan ko ito lang talaga yung wala talaga ako ka stress stress. Sobrang konti lang din kasi namin wala pang 50 yung employees. Tapos 4 years palang ako nakaka 7 increase na yung salary ko. Mataas na salary ko considering nasa province ako. Kaya as an HR sobrang gaan lang talaga ng trabaho ko. Mas marami pa nga ata yung oras na wala akong ginagawa kesa meron.

Kaso yung boss ko, hindi ko na alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya na hindi basta basta pwede magtanggal ng tao.

Kapag kasi merong staff na hindi niya nagugustuhan ang trabaho kahit one incident lang, gusto niya agad tanggalin ko. Kung mga probi lang sana madali gawan ng paraan, pero ung mga regular, doon ako hirap.

Alam kong may mali din ako dito, pero ginagawan ko talaga ng paraan na tanggalin sila, like naghahanap ako ng reason to make them be dismissed, may 2 na nagpadole but luckily, hindi pa naman kami natatalo.

Minsan ko na sinubukan na sabihan ang boss ko na bigyan pa ng chance kapag meron na naman siyang gustong chugiin. Pero dumadating pa din yung time na aayawan niya yung tao, tapos minsan binabalik pa niya sakin yung blame like "yan yung binigyan mo ng chance and yet ganyan pa rin".

Nakakapikon lang kasi pag kami naman yung may complain na employee na gusto namin matanggal, siya naman yung parang santo na gusto pang bigyan ng chance yung tao.

Kaya nahihirapan na talaga ako sa ginagawa ng boss ko. Yung pagiging HR ko nacocompromise na, dahil hindi ko na nagagawa yung tamang dapat gawin sa trabaho ko.

Hindi siya toxic na boss in handling me, hindi din ako micromanage. Dito lang talaga sa part na to ako nahihirapan sa kanya.

Hirap din talaga maging solo HR. 🥲

Posted Jan 31, 2026, 1:37 PM UTC

1011
Loading comments…