OA lang ba ako kasi nadisappoint ako sa Valentine’s Day gift sakin ng bf ko?
10 years kami. Kahit in a relationship ayoko sumasapit Valentine’s Day. Bitter na kung bitter kasi ang sakit makakita na yung iba may flowers tapos ako wala kahit every valentines pinag aawayan namin yan kasi nakakailang sabi ako before valentines pero wala talaga (like tinry ko icommunicate) Kapag nakita nya na umiyak na ko tsaka siya bibili as in gabi na. Always mi nag sasabi na gusto ko ng bulaklak. I understand pa dati kasi wala siyang work pero now may work naman na siya. And today, I am expecting na may ibibigay siya kasi napadaan kami sa bilihan ng flowers last time and sabi niya “may matatanggap ka kayang flowers sa valentines?”.
Then Hindi ako sumagot. So today, I received a flower. Habang pauwi dumaan kami sa bilihan. I am not sure magkano binayad niya pero around 15-20 pesos. Hindi ako natuwa. I am paying all the bills tapos ganon ibibigay niya. Sinama niya ko sa 7/11 and bumili ng chocolate pero sira na mood ko.
Pag uwi sinabi ko na hindi ako masaya. Tapos nag chat siya and wala na raw siyang pera. Masakit sakin kasi kapag ako may ibibigay sa kaniya pinag hahandaan ko the day before pero ang gift sakin para may maibigay lang. Sabi niya wala daw siyang pera pero wala siyang responsibility sa kanya lahat ng sahod niya. Ako nagbabayad ng mga bills namin.
Nag scroll ako sa FB and Nakita ko na may 100 pesos na real flower na and nasasaktan ako hahaha kasi gusto ko non hahahaha.
Sobrang disappointed ko. Unfair lang kasi kapag bday niya gusto niyang gift expensive like gold or iphone. Pero sakin 20 na bulaklak.
Mas okay pa siguro na single kesa in a relationship pero no effort.
OA ba ako kasi umiiyak ako kahit nag abot naman siya ng bulaklak
Posted Feb 14, 2026, 7:54 AM UTC