Paano ba talaga ako titigil
Nagsimula ako mag-online gambling dahil sa mga sinabi ng kaibigan ko. “Try mo pre, malay mo pumaldo ka.” yan yung mga sinabi niya sakin, and talagang pinagyayabang niya na nanalo siya. At dun nagsimula ang lahat ng delubyo pagdating sa gambling.
For context lang po, College student palang ako pero feel ko parang grabe na addiction ko. Panganay at breadwinner ako, di ko talaga mapigilan na huminto sa sumpa na ito. Nagsimula rin kasi yung pagsusugal ko nung nag LOA ako sa school dahil sa financial problems.
Nakokonsensya na ako sa mga magulang ko dahil ‘di naman kami mayaman, and also may mga nararamdaman na rin parehas nanay at tatay ko. Napapa-relapse ako dahil iniisip ko na baka may chance na manalo ako nang malaki at mabawi yung mga talo ko. Minsan din yung allowance ko, napupunta lang sa pagsusugal at talaga nashoshort ako.
Gusto ko talagang tigilan, at minsan ang way na naiisip ko nalang dito ay tigilan ang paghinga/buhay ko. *almost nasa 80k na yung talo ko
Posted Feb 14, 2026, 7:58 AM UTC