r/RantAndVentPH•
angge_ry

24 yrs old, unemployed

Advice

Palabas lang po ng saloobin kasi hindi ko na alam pa ang gagawin ko.

Starting january, nag aapply at pasa na ako ng resume up until now. Naiinvite naman sa interviews pero bilang lang sa daliri. Then yung nanay ko, ang sabi n'ya nung una is ako na ang bahala kung saan ko gusto mag apply, at kung anong gusto kong role na apply-an. As a civil engineering graduate, gusto ko rin naman yung ina-applyan ko is aligned pa rin sa degree ko. Dahil wala pa ulit tumatawag or nag e-email, may times na laging tinatanong n'ya "wala pang tumatawag?". Medyo nayayamot ako kapag naririnig yung tanong na 'yon and at the same time nahihiya na rin kasi, ako na lang walang naaambag dito sa bahay (as a bunso). Tapos ngayon ang sabi naman, mag apply na lang ako sa "kahit ano" na position, kahit hindi aligned basta magkaroon lang daw ng experience. Iniisip ko pa lang 'yon, magiging masaya ba ako 'don? Gustong-gusto ko rin naman na magka-work and everyday naman ako nag aapply kahit hirap na hirap na akong maghanap.

Hay buhayyyy... minsan nakakawalang ganan na rin talaga.

Posted Feb 14, 2026, 8:11 AM UTC

410
Loading comments…