Paano pigilan tatay ko magdadal ng orasyon at magsuot ng kyng ano-ano.
Paano po Humingi ng Tulong sa Simbahan dahil sa Paniniwala ng Tatay ko sa Albularyo. Nagoorasyon kapag midnight, umaga. Tues at Fri. May mga kung ano anting-anting din
Problem/Goal: Naniniwala tatay ko sa Albularyo
Saan po ba ako pwede manghingi ng tulong? Related sa simbahan.
Context:
Nagstart yung tatay ko maniwala sa albularyo. Sa totoo lang di naman dapat. Kaso lang yung nanay ko anxious sa Covid-19. Hirap huminga, ayaw dalhin ng tatay ko sa hosp kasi pag di makahinga, diretso oxygen na. Alam naman natin mga hosp noon 2020. Kaya tumawag siya ng Albularyo. Hinilot-hilot nanay ko.
Umaga at hapon, dumadalaw yung albularyo. 500 per visit so 1k/day. Nung una para lang kumalma nanay ko.
Nung humupa na ang Covid, frequent naman po pagvisit sa hospital at okay sa gamot.
Tapos may binigay sa tatay ko dadasalin daw sa 12 midnight, tues at fri. Mayroon din mga singsing na may black na bato, Santo Niñong hubad (binili daw para sa akin dalhin ko kahit saan. sabi ko ayoko. May rosary ako. Giniguilt trip pa ako si Santo Niño daw yun, iba daw ba religion ko. 2k yata sabi ko sayang sana pinera na lang. Tinago ko lang . Tapos binigay sa kapatid ko nung umuwi dito galing ibang bansa. Sabi ng kaptid ko, ayaw niya rin.)
Meron nga isang beses yung tatay ko may nilagay sa kotse parang rosary pero may triangle at mata, wooden tapos ang laki 2 feet yata halos nakakadistract sa dashboard. Inaway ko, ano nilalagay. alam ko rude ako doon pero napakadesperate ko na. Buti may lumabas ang LTO na bawal na mga distracting na bagay sa dashboard.
Tapos sobra nanonood ng YT about albularyo. Minsan tinuruan ko magchatgpt para sa mga bagay bagay at di maniniwala sa fake news. Ang ginawa niya pinagawa yung AI ng orasyon. Isave ko daw. May binaon din dito sa bahay na something
6 na taon na kami nagsstruggle dito sa bahay. Kahit ano pagsisikap. Mabigat.
Palagi may iniinda sakit nanay ko kahit sabi ng mga doctor, okay ang laboratory at lumabas-labas. Kaso wala stuck sa kama. Tatay ko panay. bulong sa tubig bago ipainom sa nanay ko.
Mahal ko parents ko. Pero di ko alam paano ko sila maiaalis sa paniniwala na yun. Last December, sabi ko magpablessing sabi nila wag na kasi nablessing na prior pa yun 2016 pa yata.
Please po. Nagdadasal na lang ako sana linawin isip ng tatay ko at maniwala lang kay Jesus Christ.
Posted Feb 14, 2026, 8:12 AM UTC