r/CasualPH•
Big-Regret4128

Appreciation post for extroverts

As much as want my peace and quiet, hindi ko rin maipagkakailang nagpapasalamat ako na napapalibutan ako ng mga extrovert sa buhay ko despite of being introverted. Oo, minsan nalo-lowbat ako sa kakulitan ng iba sa kanila, pero may iba naman kasi na sakto lang yung energy. Sila yung may kakayahan na i-balance yung katahimikan mo kapag magkasama kayo, sila yung bumoboses para sa iyo at sa mga bagay na hindi mo kayang ipaabot sa marami. Imagine kung lahat kayo sa community n'yo ay introvert, yung as in ayaw makisalamuha, ayaw talagang kumausap ng sinuman or natatakot mag-initiate, hindi naman sa pagiging OA pero baka mag mistulang ghost town na yung purok ninyo HAHAHAHA. Gan'on kasi ako, kaya thankful ako na mayroon din kaming mga kapitbahay na may energy para umako ng leadership roles sa amin, yung hindi nag-aatubiling kumausap ng marami at nagkukusang mag-organize ng community activities. Ayon lang.

Posted Feb 15, 2026, 3:01 AM UTC

20
Loading comments…