OA lang ba ako kasi matagal na akong may tampo sa pinsan ko?
OA lang ba ako kasi matagal na akong may tampo sa pinsan ko?
Never ko to na open sa pinsan ko and wala talaga akong balak i-open up so please hwag sana makalabas sa reddit itong post ko.
Bali yung pinsan ko na tinutukoy ko, childhood bestfriend ko din sya. like kung nasan ako, nandun din sya. kapag wala sya sa tabi ko lagi ko syang tinatawag o hinahanap. sa lahat ng magpipinsan kami yung pinaka close at parang may sariling mundo. kapag umuuwi sya samin sabay kaming naliligo, kumakain, naglalaro.. name it, lahat talaga. very close kami and alam din yun ng friends ko at lahat ng naka paligid samin.
but everything changed around year 2021? i'm not sure, palagi kaming magka chat pero nalessen na talaga nang paunti unti. pauwi sila samin kasi may celebration, super excited ako pero bigla ko nabasa sa tweet nya nung pauwi na sila na "ang boring naman" di yan yung exact na sinabi nya pero malakas pakiramdam ko na yung pag uwi nila samin yung tinutukoy nya. Then, nung pag uwi nila dinedma ko na lang yung nabasa ko at kunwari di ako na hurt. ang nangyari kumbaga sa personal close kami pero sa chat madalang na lang talaga mag usap.
and ito yung time na na-hurt din ako lalo, last year to eh. kinailangan ko hiramin acc nya kasi may titignan ako, tinanong nya kung yung main or dump acc nya. nagulat ako kasi may dump acc pala sya? dun ko na realize na may kanya kanya na talaga kaming buhay, nagmature na rin sya at kaylangan ko tanggapin yun, sa friends and classmates na sya mas comfy kasi sila naman ang madalas at lagi nyang nakakasama.
unahan ko na kayo, wala kaming galit or tampuhan. very chill lang talaga kami at masaya lang palagi kapag magkasama.
Thank you and hoping for your broad understanding regarding this matter. :)
Posted Feb 15, 2026, 3:18 AM UTC