DELIVERY PO FROM YOUR PAST (EME)
we’ve been talking for almost 7 months na. wlw kami and hindi pa kami nagkikita because of distance. Sa loob ng 7 months na yun, okay naman kami. May mga away pero naaayos naman. ang problem lang talaga is may someone from her past na sobrang kulit. Nagpapadala ng flowers, chocolates, and kung ano-ano lalo na kapag may nire-repost siya sa TikTok .tinanong ko siya kung sino yun, sabi niya hindi niya sure pero may hinala siya na baka former manliligaw niya (girl din) sinuggest ko before na kausapin niya para itanong bakit nagpapadala, pero lagi niyang sinasabi na ayaw niya kausapin. nirerespeto ko naman kasi sabi niya nasabihan na raw niya dati na tumigil even before pa kami mag-usap and nasabi naman na nya may bagong kauspa na sya so mag stop na ganon.
so okay, dedma na lang sana baka tumigil din eventually pero nitong last week before valentins, halos everyday may nagpapadala. and nagkataon pa na minsan naka-call kami habang nire-receive niya also one time sya mismo nagdala pero inilagay lang sa labas ng gate. hindi ko alam ano dapat maramdaman ko tina ry ko itake positively, like maybe inaadmire lang siya ( ano, to win her back!?). pero ang weird lang kasi minsan may nirerepost siya, tapos ilang hours lang may padala na agad. 0@rang ang creepy na?likee what, inistalk ka ba from time to time? Doon na ako naging uncomfortable talaga. Sinabi ko na baka pwede na niya kausapin ulit kasi hindi na rin okay sa side ko. Pero ayoko rin mag-demand. Ayoko magmukhang pinipilit ko siya. Ang hirap kasi siya rin naman mismo nagsasabi na ayaw niya nung tao tapos minsan tinatanong niya pa ako kung tatanggapin ba niya or hindi. liekeee IDK? shee said icoconsider niya and ipapadaan na lang sa iba yung message na tumigil, pero hindi ko sure kung nagawa niya na. Then may isa pa. May nakita ako sa history views ko na mutual niya. Napa-stalk tuloy ako. Mutual sila nung kausap ko, tapos nakita ko isa lang following nung girl — and yung kausap ko lang yun. Tapos nasa bio pa yung last 4 letters ng name ng kausap ko, which is super unusual name naman talaga. So parang hindi naman coincidence? Feel ko siya talaga yung nagpapadala. pero sabi ng kausap ko hindi na raw sila mutual. so parang ano un? iba pa ba yun? hindi ko pa siya kinoconfront about this kasi natatakot ako sa maririnig ko.
hndi ko alam kung icoconfront ko na ba siya or intayin ko lang na may malaman pa? 😭. baka nagoverthink lang ako. ayoko rin magaccuse nang walang solid proof. pero at the same time, hindi na rin ako at peace tbh. haha hays happy v day talaga 🥲
Posted Feb 15, 2026, 3:20 AM UTC