Hindi ba deserve ng mga lalake ng comfort

Nag talo kami ng partner ko. Kasi sabi ko bibili akong isa pang speaker para sa current ko para magkaron ng surround sound. Sabi niya kailangan na raw mag ipon kasi madami na kami plano. Hindi raw ba ako naiistress sa idea na papakasal na ng 28 pero walang ipon?. Sagot ko naman ay may ipon naman ako, at nag iipon ako. Pero gusto ko chill lang kasi stress na rin ako sa madaming bagay. Bigla nasabi niya na, lalake raw dapat mas malake gastusin sa kasal. At baka sa kanya ko pa raw ipabayad. Medyo na offend ako, kasi san niya hinugot yung ganong reklamo, o salita? Alam ko naman lalake dapat mas gumastos (based sa standard na kinalakihan ko), pero para pamukha sakin yon? Hindi naman ako nag papalibre madalas, pag may mga lakad minsan 50/50 kami o libre niya/ako. Tapos bigla ganon, feeling ko tuloy yung mga times na siya gumagastos eh hindi niya talaga gusto. Dagdag pa yung fact na doble ang taas ng sahod niya compared sakin. Pinipilit ko naman sumabay, minsan hindi lang talaga kaya. Tapos ngayon galit siya kasi na offend ako. Dipensa niya alam naman niya namali siya ng sabi at na offend ako, pero hindi naman daw yon yung punto niya. Sabi ko na iintindihan ko naman. Pero kahit isang sorry hindi magawa. Kahit ilang beses ko na sinabi. Kahit sorry lang, comfort lang ba. Hindi pa mabigay. Mali ba ako ng maramdaman? Reaction? Hindi ako makapag rant sa kanya kasi binabalik lang din sakin.

Posted Feb 15, 2026, 3:20 AM UTC

12
Loading comments…