what to do?

hello, first time kong magpopost here sa reddit kasi super kailangan ko talaga ng advice ngayon.

i’m a female, 24 years old. may trabaho ako ngayon sa isang private yet big company sa makati. masaya ako sa trabaho ko. masaya ako sa workplace ko. masaya rin ako sa mga katrabaho ko. all is well, kumbaga.

ngayon, yung father ko is nagwowork sa government agency. gusto nilang ipasok ako doon and may item nang open na pwede for me.

hindi ako makapagbigay ng diretsong sagot kung tatanggapin ko yung position sa government kasi okay and masaya ako sa ginagawa ko. i can feel the genuine happiness. nagalit yung parents ko. disappointed sila and sinabihan na agad nila akong “walang pangarap”, “stuck sa kompanyang inaalila ka”, “sinayang mo yung degree mo”, and such.

i’m hurt. hindi naman sa nagiging selfish ako or ayokong sundin yung gusto nila. just for once, gusto ko lang na sundin yung gusto ko. ngayon ko lang naman susundin yung gusto ko at gagawin yung bagay na alam kong nakakapagpasaya sa akin e. ngayon lang naman.

i know na mas malaki ang kita and mas maraming benefits sa government. hindi ko naman balak magstay nang matagal sa current job ko pero at the moment, wala pa rin sa isip ko ang umalis.

any advice po? please don’t be mean po. thank you.

Posted Feb 17, 2026, 3:17 AM UTC

10
Loading comments…