Wala daw ako mararating sa buhay sabi ng katay ko kapag ECE ako
Hi. So..Nakapasa ako ng engineering course sa TUP except diko nakuha yung desired course ko (mech. engineering), kaya kinuha ko nalang ECE. Wala naman ako problema sa course, other than the fact na mahirap daw iyun and wala ako mga requisite knowledge (eg. programming and electronics, although mayroon ako minimum na knowledge sa latter). But willing ako mag-aral at magpa-TESDA para mga iyan pagkatapos ng school year. Of course, di pa final na dito pa ako mag-aaral kasi hinihintay ko yung release ng ibang CETs with different courses (dream course ko talaga ay Industrial Engineering) but in case na di ako nakapasa sa mga yun', I better start what I have now.
Now, yung tatay, nakakainis kasi noong sinabi ko sa kanya na ECE napili, he replied na baka babagsak ako sa BPO sa future. Nainis din yung mama noong narinig niya yun, since nagtatrabaho din siya sa BPO. Parang belittled yung tatay ko yung mga nagtatrabaho doon. Wala din yata siya alam ang current state ng mga engineering course. Suggest niya mag-SPED ako o architecture (which is matagal kumuha ng trabaho). Although may narinig ako na oversaturated na din yung ECE but idk what extent.
But I don't care, kung ECE is what I have, edi kailangan ko galingan. I will prove him wrong.
Posted Feb 19, 2026, 3:06 PM UTC