Nahihirapan akong mag-aral

Currently, nasa law school ako at may subject kaming Wills and Succession. Syempre, ang mga pinaguusapan ay pamilya. Sa subject na to, napag uusapan yung mga illegitimate child and madalas to dah may karapatan sila under the law.

Tuwing napapag usapan, nahihirapan ako kasi narerelive yung trauma na napagdaanan ko nung nalaman namin na may anak sa labas papa ko. Naaawa ako sa mama ko knowing na yung pinaghirapan nila together eh need niya ishare sa anak sa labas. Pero more than that, buhay pa din yung trauma na ginawa ng papa ko. Kami kasama ng papa ko until now, pero parang nahihirapan pa din ako mag aral nung subject dahil sa ganitong experience.

Hindi ko mashare sa mga kapatid ko at lalo na sa mama ko kasi ayoko na irelive din nila yung trauma sa amin. :(

Posted Feb 19, 2026, 3:42 PM UTC

52
Loading comments…