Napapagod na naman ako

TRIGGER WARNING

Nakakatawa kasi buong January parang ang gaan, sabi ko sa sarili ko aba okay yung January ah kasi di ako negative masyado. Tapos dumating yung February naospital ako, heart condition pa. Diko akalain na mangyayari sakin na magkasakit tapos sa puso pa. 26 palang ako, may anak akong may ASD. Sobrang napapagod ako ngayon kakaisip kung paano magbabayad ng mga dapat bayaran lalo na naospital ako. May HMO ako at naghati kami ng kapatid ko sa bill. Pero nanghihinayang ako sa gastos, iniisip ko kung tiniis ko ba yung sakit ko okay naman siguro ako? 10k malaking bagay na pang therapy ng anak ko tapos dadating narin ung birthday nya. Nakaka pagod, gusto ko nalang maglaho pero hindi pwede. Walang ibang makakaintindi sa anak ko kundi ako lang, ayokong maging kawawa sya sa future...sorry sa kwento. Ayoko narin kasing mag kwento sa ibang tao lalo na baka di ako maintindihan.

Oonga pala, diagnosed ako ng MDD nung 2023 pa. Diko nalang pinag tuunan ng pansin kasi wala akong magagawa o di ako uusad kung iisipin ko lagi yun. Naisip ko nga baka dahil stress ako kaya ako na trigger sa puso, baka kaya ng isip ko pero dina kaya nung katawan ko.

Posted Feb 19, 2026, 3:43 PM UTC

21
Loading comments…