Mali ba pagkakaintindi ko sa serum or yung sales lady talaga ang mali?
Pumunta ako ng Watsons last week para maghanap ng moisturizer kasi yung Celeteque at iWhite Korea parang hindi hiyang sa balat ko. Yung isa natitrigger ang flaking sa ilong ko at yung isa nagkakabutig ako. So ayun nga naghanap ako don. May lumapit sakin na sales lady nagtanong kung anong hanap ko, sabi ko moisturizer. Tiningnan niya mukha ko, sabi niya ay maam ito, nakakareduce din to ng redness mo (kasi mapula talaga mukha ko.) Pagtingin ko serum. Convo went like this:
"Serum po yata to, wala bang yung katulad ng Celeteque na moisturizer talaga ang label niya?"
"Ay maam yung Celeteque po nakakalala po yon ng redness e."
"Ahh, wala bang iba?"
"Dito maam halika."
Went to another aisle, this time with 4 more sales ladies na nakatambay doon. They recommended another box. Serum again but a different brand.
"Wala bang yung pwede kong ilagay every after hilamos?" (Kasi pagkakaalam ko hindi dapat nilalagi ang serum e. Yung serum ko twice a week ko nga lang nilalagay.)
"Pwede po ito maam. Nakakamoisturize po talaga to, mawawala pa redness mo."
"Ahh, ano pang meron kayo?" (Alam ko naman na nakakamoisturize din ang serum depende sa active ingredient pero kasi nga moisturizer talaga hanap ko na moisturizer talaga ang label 😅)
So kumuha ulit sila na ibang brand, serum pa rin. Sabi ko na lang wag na lang. Pero baka kasi ako yung di nakakaintindi ng uses ng moisturizer vs serum eh. Mali ba ako?
Posted Feb 20, 2026, 4:24 PM UTC