r/GigilAko•
Key-Sign-1171

Gigil ako sa mga nagmomotor na hindi marunong magslowdown/yield sa pedestrian lanes

Grabe experience ko kanina sa Commonwealth. Patawid sa Puregold North Commonwealth.. ang bibilis ng mga sasakyan southbound. Gabi na nun at malayo pa yung mga sasakyan kaya ginrab ko na yung chance tumawid. As in mga 20-30 meters pa yung layo ng mga paparating. Ang kaso, may bus sa right-side na paandar na from loading ppl so di ako agad makaabante (for a few secs nasa gitna ako at merong dalawang nakamotor na top speed pa rin ang takbo at yung isa halos 2 or 3 inches na lang nahagip na ko. Hindi naman ako pwedeng tumakbo na lang. Tutal naka-single sya sana nagbigay ng safe distance. Pero ano pa bang aasahan ko? Ni hindi nga nagslow down malayo pa lang. Sinigawan nya pa ako na pagulat. Grabe trauma ko. Checking LTO site if may way na mareklamo yung ganun.

Mag-doble ingat kayo pagtatawid dyan sa area na yan. Wala naman kasing overpass dun. Madilim na kaya di ko kita plate number nung ungas. Nanginginig pa ako sa galit sa hindi nya pagbibigay kahit alam nyang may tatawid.

Nakakatakot at nakakagalit.

Posted Feb 20, 2026, 4:35 PM UTC

03
Loading comments…