Lagi akong naiinis sa friends ng partner ko

Love & Relationships

Problem/Goal: Everytime na nakaka-interact ng partner ko yung mga friends niya naiinis ako or nawawala sa mood. Minsan kapag kausap niya lang, may kabado ako na feeling. Sa papaanong way ko ba mapipigilan ‘yun? Hindi talaga ako okay sa mga kaibigan niya, pero alam kong cherished niya ‘yung mga ‘yun at gusto ko pa rin naman na mag saya siya. Naiintinihan kong kaya siya masaya sa mga ‘yun dahil nung mga oras na may pinagdaraanan siya, ayun ang mga tao na naka suporta sa kanya.

Context: Hindi ko gusto yung mga tropa niya. May habit mga kaibigan niya na mag “micro” cheat sa mga jowa nila, or at least ‘yung ilang tropa niya alam ko may history ng ganun. Sinasabihan naman nila isat isa lalo na yung partner ko, marunong siya mag point out ng mali ng kaibigan niya. Alam ko rin na mahihilig mag tingin ‘yung mga kaibigan niya ng sexy pictures or videos (corn) online. Pala inom din mga kaibigan niya at sobra kung lumabas, inaabot sila ng madaling araw. Nahuli ko na siya na may mga sexy pictures din ng babae nung bago palang kami. After nun, nag tino naman na.

Previous Attempts: Alam niyang hindi ko gusto ang mga kaibigan niya dahil sa mga bisyo at hindi magandang gawain. Napagusapan na rin namin ‘yung problema niya na masyado siyang nag papadala sa mga kaibigan niya, tipong hindi siya maka hindi. Marunong naman na siyang humindi ngayon at ni-lessen na rin niya ‘yung pag inom at pag alis na madaling araw ang uwi. (Pero feeling ko busy lang din sila kaya walang alis ngayon na madaling araw ang uwi, baka pag naaya siya sasama siya dahil “minsan” nalang naman sila nag kikita ngayon)

P.S. I will delete this, don’t repost on any platforms pls. Thanks. :)

Posted Feb 20, 2026, 4:36 PM UTC

14
Loading comments…