r/PHGamers•
Life_Soleil

Amg hirap maglaro na wala na siya

Discuss

Hi. Ako po yung nagpost about yung ff14 house ng late bf ko. Pasensya na po pavent lang ako kasi feeling ko mga gamers lang makakagets.

First night po na "free" ako. Nailibing na bf ko last sunday. Nasort na lahat ng kelangan, nalikpit na lahat ng gamit. Tonight is the first night na officially single ako.

I tried to play ff14 pero lahat na lang ng nakikita ko naalala ko siya. Iniimagine ko tumatakbo siya sa gridania. Gagawa ako ng dungeon magflashback ako nung first time namin ginawa. Around 2019 kami nagstart mag ff. Sabay namin ginawa lahat. Lahat ng story lahat ng quest nagtry din kami magraid. We have a good guild good friends very supportive sila throughout this time. They even had an ingame memorial for him. Pero iba pa rin ngayon na wala na siya. First time na gagawa ako ng story ng quest na wala siya. We experienced the story together(ang GANDA po ng story ng ff14 please try niyo po) ngayon hindi ko alam pano ko gagawin na wala siya.

Hindi rin ako makalaro ng maayos umupo lang ako sa bahay niya for like 30 minutes before logging out

Sorry again for venting. Akala ko ok na ako this week after ilibing siya pero bumalik lahat pag login ko sa game.

"The rains have ceased and we have been graced with another beautiful day. But you are not here to see it" - Elidibus

Posted Feb 21, 2026, 5:26 PM UTC

52774
Loading comments…