ABYG - Isumbong namin yung gf ng tropa namin sa asawa nya.

Family

Context:

Kaming magkakaibigan lahat Working as Professional.

Ilang months na kameng concerned sa kaibigan namin na late ko na rin nalaman na may kinalolokohan na babae na naging gf na pala nya. Nahuli lang den ng isa naming kaibigan na yung gf is may 3 batang anak at may partner na SEAMAN hindi SEPERATED. Talagang working lang as asawa. Yung kaibigan namin lalaki bulag at palaging malas sa pag-ibig ilang beses na pinagsabihan pumili ng ibang babae nalang keysa makasira ng pamilya. Niretuhan nanamin ng iba pero naatras den mga nairereto namin kasi nalaman may on-going annulment case pa ang kaibigan namin inshort kasal pa sya.

Ayaw namin sa huli mapahamak kasama namin. Baliktarin ng babae kapag nagkada leche leche ang lahat at mahuli sila nung ASAWA ng Babae pwede pa kasuhan yung kaibigan namin at matanggal sa serbisyo. Pakiramdam namin nawiwili yung babae sa kaibigan namin kahit medyo tumatagilid na yung kaibigan namin o nagdadalawang isip na.

ABYG kung palihim namin isumbong yung babae sa asawa? o wag na kame maingielam hayaan na sila. Karma nalang nila hahabol?

Posted Feb 21, 2026, 5:31 PM UTC

8341
Loading comments…