Happy Anniversarry

Stranger

Hello Langga,

Today is supposedly one of the happiest and memorable day to us kasi dapat were celebrating our first anniversarry together. Time fly so fast, one a random tuesday night before valentines and our anniversarry sabi mo di ka na masaya at gusto mong ayusin ang sarili mo.

Paulit ulit nag rereplay sa utak ko kung gaano kasakit lahat ng binitawan mong salita nung araw na nakipag hiwalay ka at umalis sa bahay. Simpleng tanong pero hindi mo masagot, hindi mo alam.

"Mahal mo pa ba ko?" ang sagot mo ay "Hindi ko na alam" para akong sinaksak. On the same day nalaman kong may kalandian ka sa trabaho pero despite ng lahat, hindi ako nagalit ganoon na ko kamanhid, ganoon kita kamahal na wala ng natirang respeto sa sarili ko para lang maayos pa. Nagmaka awa ako pero hindi ka man lang nag dalawang isip na iwan ako.

Mahal na mahal kita hanggang ngayon, napapagod na ko umiyak at mag tanong sa sarili ko kung ano pa sana nagawa ko para maging masaya ka para at mag stay ka.

I was so devastated to the point na I'm loosing myself. Hindi ko alam kung minahal mo ba talaga ako, part of me still hopes na magiging maayos pa tayo pero kahit na pamilya at kaibigan ko ayaw na nilang bumalik ka pa sa buhay ko kasi nakita nila, nakita nila kung paano ko naubos yung sarili ko araw araw dahil sa sakit na iniwan mo.

Ang hirap kasi sinanay mo ko, ngayong hindi na tayo magkasama di ko alam saan at paano ako magsisimula.

I love you always and I am always proud of what you will achieve in the future.

Magsisimula na kong umusad, hanggang sa ibabalik tanaw ko na lang yung mga araw na magkasama tayo at kung gaano kita minahal.

Posted Feb 21, 2026, 5:33 PM UTC

31
Loading comments…