Disappointment

Ventilation

parang palala nang palala yung disappointment ko sa sarili at sa paligid nang dahil sa sugal. sana pag nabasa mo to, maging dagdag sa dahilan para huminto nang tuluyan.

matagal ko nang alam na hindi lang sa paghinto sa sugal yung magiging mahirap sakin. nakahinto na ako ng malapit sa isang taon pero araw araw mahirap lunukin lahat ng napatalo. dagdag pa yung mga nagawa mo sana sa pera na yun. o kung napalago mo sana sa tamang paraan.

kahapon lang napamuka sakin kung gaano akong huli na sa buhay - walang naipundar, walang ipon, puro utang. samantalang yung mga kabatch ko may sariling bahay, sasakyan, business, nakakapagtravel, atbp.

ang tanging meron ako ay yung asawa ko. na ngayon kasama na sa mga dismayado sa akin. dahil sa patalo madami akong milestone namin na udlot - travel, sasakyan, bahay. dahil wala akong pera lahat hayi kami. lahat nililista at sinisingil. alam kong hindi naman dapat, pero yun yung nakakapagpasurvive sa akin. nakakahiya.

naconfirm ko din na, pati magulang nya di na din okay na nagsshare sya. dati magulang ko lang dismayado sakin, ngayon 2sets na.

dagdag sa iindahin pero pipilitin padin bumangon. pero kung di kayanin at sumagad sa selfishness na tapusin nalang ang paghihirap, sana malaman nyo kung gaano ako nahihiya sa nangyari sa akin.

Posted Feb 22, 2026, 4:54 PM UTC

94
Loading comments…