ABYG na nireport ko sa BIR at DTI yung bar na pinuntahan namin dahil di ko makita sa seat ko yung banda na inaasahan naming mapanood?
Pumunta kami sa isang bar then tutugtog dun yung inaabangan kong banda. Base sa advertisement nila online, maganda yung pwesto na napili namin pero pagdating namin sa venue, di namin makita yung show kasi maraming obstruction sa view/hindi talaga ideal yung pwesto.
Nagrequest ako na mapalipat kami ng pwesto kasi may rule sila na may oras lang yung paghohold ng seats, nagbakasakali kami na makalipat pero hindi kami inassist ng mga tao dun sa bar kahit nagreklamo kami na misleading yung ads nila online. Hindi ko na naeenjoy yung moment sa bar and nag request ako ng refund. Which is nagrefund naman sila ng entrance fee at umalis na kami sa venue nang di manlang nakikita yung banda na gusto ko. Sobrang badtrip din ako at napaiyak na lang kasi sobrang excited ako.
Wala ring kwenta yung manager, sobrang yabang. To the point na pinagmamalaki nya na never pa sila nakatanggap ng reklamo. Nagleave ako ng bad review sa page nila at sa google. Tapos ni report ko din sila sa BIR kasi hindi sila nag issue ng OR nung nagreserve kami sa kanila. Nireport ko din sila sa DTI dahil sa misleading photos na sinend nila samin dahilan para magbook kami but in the end na hassle at nastress lang kami. Ni report ko din sila sa municipality nila para silipin kung may permit yung bar to operate.
Ako ba yung gago kasi gusto kong mapasara yung negosyo na yon dahil binadtrip nila yung once in a moment na bakasyon at unwind sana with my partner?
Posted Feb 22, 2026, 5:03 PM UTC