Sumemplang dahil sa pothole

Rant/Reklamo

Just wanna express my frustration. Kanina kasi ang bagal na nga ng takbo ko, as in halos kasing bilis na nga lang ng pedicab at sa gilid lang ng kalsada kasi di man ako nagmamadali, saka naman ako maaksidente dahil lang sa gagong pothole yan, yung mga parang manhole na di pantay sa kalsada

Kampante naman pati ako kasi ka bagal na nga lang ng takbo, kaya medyo malalim iniisip, di ko na namalayan yung butas. Ok naman ako, gasgas lang sa tuhod at naligtas naman ng gloves yung kamay ko (swerte nga kasi naisipan ko magsuot).

Kaso yung motor ko, nabali yung front brake lever at basag side mirror.

Nakaka frustrate lang talaga yan mga lintek na lubak na yan at mga kung anu ano sa kalsada na kinamamatay ng mga motorista, madali lang sana yan ayusin kaso mga gago talaga ang nasa DPWH.. Kahapon nga nakakita din ako babae lasog lasog dahil sumemplang din sa lubak.

Posted Feb 23, 2026, 5:57 AM UTC

12
Loading comments…