Pinababa ko ang Credit Score at MMR ng boyfriend ko sa ML
Don't judge me po pero toxic bang matatawag yun ginawa ko, I've always been patient naman sa boyfriend ko kapag gusto niyang maglaro hinahayaan ko lang, wala akong kaso kahit nga mas madalas pa niyang kalaro yung mga tropa niya kesa makipag usap sakin sa vc since LDR kami. Sakin tinanggap ko nalang yon na baka don siya nag eenjoy, mayroon lang naman akong iilang rules at kabilang na ron yung huwag magsstalk ng random na babae or kahit naka match pa niya sa game kasi nakaka overthink yon for me, inulit-ulit ko yan sa kanya kaso wala eh hindi naman siya nagtatanda. Titigil saglit pero ganon nanaman. Mas matagal na nga yung oras na nakokonsumo niya sa paglalaro na inaabot ng 3 oras kesa sa pakikipag-usap sakin na swerte na kung tumagal nang 1 oras. So ayun na nga pinayagan ko siya kagabi maglaro actually palagi naman basta magpapaalam siya nang maayos para alam ko kung anong oras ako tatawag, then I tried to check his profile visits sa ML tapos nakita ko may babaeng naka visit then I tried to visit the girl's profile and nandon yung profile ng boyfriend ko naka visit. Idc who visited first ang sakin bakit kailangan mong ivisit lalo na kung babae, yan yung tanong ko na paulit-ulit na ang lagi niyang sagot "wala lang" hanggang sa napuno na ako kanina. I opened his ML tapos ni-Ranked Game ko tapos while matching ineexit ko sa app. I tried it 4 times (sorry po sa mga kakampi niya 😭) pero sinabi ko naman po sa kanya na sa tuwing makakakita ako ng babaeng iniistalk niya papababain ko credit score at MMR niya. Then ayon pag-uwi niya I saw how frustrated he is pagka kita niya ng notification bar niya with multiple reports and violations HAHAHAHAHAHAHA IDK pero it gave me relief sa tagal ng panahon na paulit-ulit, kasi kahit frustrated na siya hindi niya kayang magalit at mag react, all he did was "umiling-uling" nalang ng ulo sa frustrations, well alam niya kasi sa sarili niyang wala siyang karapatang magalit. I warned him but he didn't listen.
Posted Feb 23, 2026, 6:03 AM UTC