Small Claims🤔
Kailan ba puwedeng mag-file ng Small Claims ang OLA?
Nakadipende ba sa laki ng utang o sa tagal ng past due?
Maraming OLAs ang panakot ng panakot ng “Small Claims na kayo!” kahit kahapon pa lang ang Due Date. Kaya linawin natin
💡 FACT CHECK:
❌ Hindi nakadepende sa laki ng inutang
Kahit ₱1,000 ang utang, puwedeng isama sa Small Claims kung pasok sa limit na 1,000,000
❌ Hindi rin automatic sa tagal ng past due
Hindi porke 1 month, 3 months, o 1 year overdue ka ay puwede na agad mag-file.
✅ Ang basehan ng Small Claims ay:
a. Ginawa ang lahat ng legal na pamamaraan/hakbang para masingil
b. Ayaw o hindi na talaga nagbabayad ang borrower kahit ginawa ang lahat ng legal na pamamaraan/hakbang para masingil
c. Walang valid na payment arrangement na tinutupad
d. Pinadalan ng valid na Demand Letter ngunit hindi tumalima
e. Pasok sa amount limit ng Small Claims (1,000,000.00)
Importanteng tandaan:
a. Ang Small Claims ay civil case
b. Walang kulong, walang warrant
c. Court lang ang puwedeng mag-issue ng summons
Kaya kapag sinabing: “Next week small claims ka na!”
Tanong mo:
👉 Naningil ka ba ng tama?
👉 May demand letter ba?
👉 Filed na ba sa court?
👉 May case number ba?
Kung wala, pananakot lang ‘yan.
📢 Paki share mo ‘to para hindi na malinlang ang iba.
-Boss Ry
Posted Feb 23, 2026, 6:09 AM UTC