Kabobohan Effect

General

Na-scam ako puta. Ngayon ko lang na-realize. May pumunta na delivery rider dito sa bahay, may parcel daw ang elderly member ng family ko na walang phone. The rider won't leave, ang ending, naawa rin ako kasi ang sabi ng ibang rider nagkaka-penalty raw sila pag 'di nababayaran yung parcel or something.

Binayaran ko gamit ang last money ko na ipangkakain ko sana bukas hanggang friday. 150 pesos.

Bakit ba ang bilis ko ma-pressure.

Ni-report ko na sa shopee yung incident kasi nakaka-bother 'yung ganito. SPX Express ang courier, at yes, legit 'yung waybill. Hindi naman na ako naghahangad ng refund dahil impossible 'yon at 'di ko naman in-order sa account ko ang item.

Ang laman ng parcel? Lupa. Yes, lupa nakalagay sa ziplock pouch. Ito na lang kainin ko hanggang Friday punyeta.

Note: 'Wag magpa-pressure sa mga rider na ayaw umalis, kapag 'di mo order, kahit ano mangyari 'wag mo bayaran. 🥲

Posted Feb 25, 2026, 5:32 AM UTC

6026
Loading comments…