Minsan iniisip ko anong buhay kung hindi ako naging nanay
Since nanay confessions naman ito gusto ko lang mag confess na minsan natutulala ako at iniisip na sana pwede hilahin ang panahon at bumalik sa nakaraan. Hindi muna sana ako naging nanay. Ang sama pakinggan pero di ko maiwasan anong buhay ko kung hindi pa ako agad naging nanay. Nakakapag beach din kaya ako tulad ng mga fb friends ko? Nakakagala din kaya ako anytime ng walang iniisip na may naghihintay sakin sa bahay? At higit sa lahat, graduating na sana ako. May bachelor degree na sana within 3 months.
Nakikita ko mga posts at myday ng mga friends and batchmate ko na application for graduation, OJT/Interns, at yung iba may pa glimpse na ng naka itim na toga sila. Nakakatuwa dahil ilang buwan nalang graduating na sila pero di ko maiwasan mainggit. Minsan iniisip ko ganon na din sana ako kung di lang ako masyadong uto-uto sa tatay ng anak ko. I'm 23 years old, hindi na po teenage pregnancy ang nanyari sakin pero sayang kasi isang taon nalang graduate na sana ako noong nalaman kong buntis ako. Ang lungkot lang at minsan nakakaguilty na isipin sana nag-aral pa ako kahit walang nagpapaaral sakin, sana nagsikap nalang ako at kahit ilang part time job pa tanggapin ko para lang may pambayad ng tuition kaso pinanghinaan ng loob kaya nauto ng isang lalaki na bubuhayin ako. Naguguilty ako kasi iniisip ko kung hindi ako nagkababy sana nasa school pa ako ngayon or who knows baka nakapila ako sa registar para sa application for graduation or busy ako sa OJT. Mahal ko ang anak ko pero minsan di ko maiwasan magsisi na ang aga ko siyang dinala sa mundong ito 😞
Ang selfish pakinggan pero sana inenjoy ko muna ang buhay bago ako nagkaanak.
Posted Feb 25, 2026, 5:37 AM UTC