May ugali akong kupal
Recently nahihilig ako mangarap na makakapag Vietnam π»π³ ako next year, ako pa pinaka excited na nagyaya samin kasi nagkita-kita kami ng mga co-worker friends ko so napag-usapan na sabay-sabay kami mag-travel. Napuyat ako kagabi manood ng mga travel vlogs sa tiktok and plan ko pa nga bumili pa ng digicam so sinuyod ko buong marketplace at Facebook groups kahit na 500 na lang laman ng BPI ko, wala pa yung pambayad ng kuryente.
Now dito naman sa totoong buhay hindi ko naman malaman kung saan ako kukuha ng pera. Ang dami kong pangarap na masunod yung luho ko pero kapag iniisip ko naman kung paano ako mag-earn ng money at sa career life ko parang nagkaka anxiety lang ako, nabubugnot ako. Tapos pagdating naman sa work from home job ko Sobrang tamad ko. Recently na promote ako pero hindi siya enough para mamotivate ako lalo magtrabaho, parang lalo akong tumamad. Nag-vl ako ng ilang beses pero bumabalik pa rin ako sa parehas na feeling. Tapos bigla na lang ako maluluha iniisip ko na lang bigla na para matapos na to, yung easiest way para magbakasyon sa buhay is mag (πͺ) if You know what I mean. Alam ko naman hindi ko pa kayang gawin pero bakit laging sumasagi iyon sa utak ko? Dati na akong naging ganito nung nabully ako sa work pero natigil din kasi nawala rin sila eventually. Hindi ko alam kung depression ba ito? para siyang umay sa buhay na hindi mo alam kung ano yung pantanggal. Isa pang problema ko ngayon yung weight ko parang tuwing Maghahanap ako ng opportunity sa ibang field na gusto ko hindi ako tatanggapin dahil mataba ako hirap naman ako mag diet . Then ayun na naman maiisip ko na naman yung πͺ. Ako lang ba yung ganito?
Posted Feb 25, 2026, 5:44 AM UTC