“Ang sarap ng pagkain.”
My favorite horror story to tell is yung experience ng kapatid ko. Not sure if this counts as horror because pinagtatawanan na lang namin, pero noong panahon na yun, talagang may mangiyak ngiyak siya.
Nagising siya ng around 4/5 AM kasi nagugutom daw siya. Stressed at pagod and nagpuyat dahil exam week na. Bumaba siya sa kusina and nakita niya si mama. Maaga talagang nagigising mother namin para magluto ng almusal. Early bird vibes. So umupo siya sa lamesa tas nagtanong pa daw siya, “Ano ulam ma?” Si mama daw ngumiti lang sa kanya tas nilagyan siya ng sinangag at MaLing sa plato. Ang sarap daw ng kain niya, nagkw-kwento pa siya kay mama about sa mga kaklase niya habang si mama nakaupo lang sa tapat niya, hindi daw nagalaw, hindi pumipikit. Nakangiti lang. Kapatid ko naman naka dalawang plato pa kasi gutom nga, di kumain ng hapunin the night before. Nag request pa na, “Ang sarap, ma. Eto ulit lutuin mo bukas ah.”
Tapos kumain, naghugas na siya ng plato sabay balik sa kwarto niya para matulog. Pagkahigang pagkahiga niya, nagtext sa kanya si mama. Something along the lines of, “Nak, pwede ikaw muna magluto ng almusal niyo mamaya? Nasa palengke pa kasi ako e. Baka tanghaliin akokasid may dadaanan pa ko.”
My sister was alone the entire time, habang ako sarap ng tulog sa kabilang kwarto. Syempre, nawala agad antok niya. Deretso siya sa kwarto ko tas doon siya sakin tumabi hanggang makauwi si mama. Until now, we don't know kung sino yung naghain sa kanya ng pagkain but we know na hindi si mama yun.
Posted Feb 26, 2026, 3:18 AM UTC