Masyado lang akong sensitive?

I am 26F and my partner is 26M. 4 years na kami.

I have access sa social media accounts niya. And one time, nag myday siya ng picture namin dalawa and yung picture na napili niyang ipost yung ok itsura niya samantalang ako, mukhang ewan. Then, may nagreply sa story niya na katrabaho niya na babae and ate ate niya daw yun. Sensitive ba ako masyado kung nahurt ako sa reply niya “mother mo bhie?” Like, I know naman sa sarili ko na di ako physically attractive like other women at my age. Though, sinabi naman niya na gf niya ko. Pero medyo nahurt lang ako na hindi niya man lang pinagsabihan or sinita. And I confronted him with that. Sabi niya, ayaw niya lang maging rude sa tao and hindi daw pumasok sa isip niya na pagsabihan kasi nasa kalagitnaan daw siya ng “saya at nag eenjoy” kasama tropa niya at wag ko na daw palakihin at gawing issue. Sensitive na ba ako masyado? Hindi ko naramdaman na naooffend siya for me. Na okay lang sakanya na maganun gf niya. Then after ko siya coninfront, dun niya lang pinagsabihan yung katrabaho niya.

Then after ilang months, nag seselfie kami, bigla niyang tinuro mukha ko and sabi “sigbin” “swerteng sigbin” sabay tawa. Di ko alam irereact ko that time pero na hurt ako. Then bigla niyang binawi na nagjojoke lang siya and hindi daw ako makatake ng joke.

Ano sa tingin niyo?

Posted Feb 26, 2026, 1:49 PM UTC

01
Loading comments…