Ano ang kaya mong gawin at i-offer sa taong mahal mo regardless sa gender at estado ng buhay?

Relationship

Para sa inyong mga lalaki, ano ba talaga ang bare minimum at boundaries ninyo pagdating sa taong mahal n'yo? Nililigawan man iyan, partner o asawa.

Mina-match n'yo lang din ba energy na binibigay sa inyo or nagpapakitang gilas kayo na gusto ninyo best foot forward kayo? Nakakababa ba ng pagkalalaki kapag nahihigitan ng mahal ninyo ang efforts n'yo? Or mas natutuwa kayo na kayo ang bine-baby at pinagsisilbihan most of the time?

Ang kasal ba para sa inyo ay formality na lang? Ayaw ninyong magpatali hangga't maaari kasi gusto ninyo na Bachelor lang kayo tapos may benefits na makukuha sa partner? Or kadalasan sincere naman kayo na gusto n'yo endgame na kayo?

Posted Feb 26, 2026, 1:57 PM UTC

105
Loading comments…