r/adviceph•
Fun_Tea_2373

Gusto ko ng kausap. Nahihirapan ako mag move on

Love & Relationships

Problem/Goal: Parati kaming on and off. Yung emotional needs ko hindi niya nabibigay, and when I raise it to him he felt inadequate and he tild me multiple times already na hindi ako yan. When I cry like hagulhol talaga he would tell me ang dramatic mo, ang sensitive mo, ang OA mo. Ginawa mong miserable ang sarili mo and sinisi mo sa akin. Sabi niya nasakal daw siya sakin. Kasi nag li like pa rin siya sa mga secy pictures and nag c comment. Then friends siya sa ex niya dati pero di niya na kinakausap, yung family non civil nlng niya kausapin. Pero yung mga tao na once niyang niligawan or mga naging crush niya, panaka naka nkaka chat niya. Pero hindi continous minsan nakakamusta niya. Sabi niya masyado akong malisyosa. Wala naman daw siyang ginagawang mali, bakit ko daw siya pinapaint parati as napaka samang tao. Ganon daw siya sa lahat. Mapa babae o lalaki. Then ako naman coming from a broken family, gusto ko pag nasa relationship ka na dapat di mo na kausapn yung mga dati mong mga naka fling or naka crush or mga triny mo ligawan dati.

Sabi niya masayado kang controlling. Then ang microcheating sinabi ko sakanya. Stupid daw yun. Napaka controlling daw non. Tapos sabi ko pag magtatampo ako bakit di mo ko sinusuyo. Sabi niya mali daw ang panunuyo parati pag hindi nmn siya mali. Nasasanay daw. Naabuso.

Nakipag break na ako pero sabi niya hindi ko daw kasi makita yung love niya. Na tina try niya naman daw pero para sakin parating kulang. Nung paalis na siya kasi sasampa na sila at mag aasikaso na siya ng mga papeles niya dito sa Manila. Uma alis alis kami. Pero at the end of the day I feel so unsatisfied kasi hindi kami nag uusap. Tapos ni raise ko sakanya nag uusap naman daw kami. Pero walang deep talks. Mga surface level na talk lang. Walang flow na conversation.

Sabi niya, hindi mo kasi ako tanggap. Pinipilit mo ko maging yung gusto mo. Ikaw tinanggap naman na kita kahit may imperfections ka rin.

Ngayon I felt conflicted kasi di ko alam kasalanan ko ba bakit nakipaghiwalay ako. Na dapat bumalik nlng ako kahit ang lungkot lungkot ko naman. Dahil lang ba ungrateful akonsa efforts niya. Kahit yung emotional needs ko hindi napupunuan.

Gusto ko ng mag move on kaso nahihirapan ako. Can you please just say anything like, marami pa namang lalaki diyan. Para fully mag let go na ako. Kasi ayoko na rin sayangin yung panahon niya 34 na siya and feeling ko ang unfair ko. Na kung gugustuhin ko pwede akong bumalik amd ayusin. Pero siya bahala na daw ako, floating nlng siya. Kaya di ko na alam gagawin ko.

Posted Feb 26, 2026, 2:04 PM UTC

214
Loading comments…