Gigil ako sa ayaw tumabi sa MRT/LRT.

Lalo na yung nasa pintuan. Kung kita nio naman na hindi makadaan, labas lang kayo saglit. Lalo na sa rush hour.

Jusko 😭 Muntik nko di nkababa. Yung ulo ko lang yung nkalusot between shoulders ng nasa harap ko, pero sa sobrang sikip hindi mkalabas katawan ko.

Nakatingin lang sakin yung mga sasakay sa platform, kase ayaw tumabi ng mga nasa pintu.

nkalabas lang kame kase binox out nung asawa ko(sa likod ko sya) yung mga nasa gilid ko para maka lusot ang katawan ko. So pasensya na din sa kanila 😭..

also pagdating namin sa may entrance may humahagulgol kase na nakaw daw cp nia. Nilagay daw sa bulsa nung palabas na sya, napansin nia lang nung nasa exit na.

Sa ganun ka siksikan di mo na alam ang nangyayari tapos ilalagay mo pa sa bulsa ang cp. Di ka rin naman tutulungan ng mga guard dian. Sasabihan ka lang na magpolice station para gumawa ng report.

Posted Mar 1, 2026, 1:49 AM UTC

35
Loading comments…