ABYG na nainis ako sa kapitbahay ng bf ko or mas gago siya?
Naglalaro kasi kami ng volleyball sa tapat ng bahay ng bf ko, eight kaming nasa tapat ng bahay, anim kaming naglalaro, yung dalawa tiga bantay ng bola sa magkabilang side kasi maraming nakapark na kotse sa tabi.
Habang naglalaro kami, sinabihan yung isa sa nagbabantay na mag-ingat daw kasi baka matamaan kotse niya (nasa tabi kasi ng kalsada). So ayun super ingat kami, di rin natatamaan kotse niya kasi medyo malayo tas matangkad yung nagbabantay sa side na yun kaya nakukuha agad.
Tas after 30 mins, sinabihan kami ng kasama namin (yung nagbabantay) na nagagalit daw yung kapitbahay wag daw kami maglaro dun, sinasamaan na daw kami ng tingin tas pagalit daw tono sakanya. Wala kaming nagawa nag-stop na kami.
Medyo iritado and nainis ako kasi wala naman na kaming ibang malaruan, tapat din ng bahay ng bf ko lang. Pinagbabawal kami maglaro sa malayo kasi may mga batang kasama, di rin naman natatamaan kotse niya kasi medyo malayo.
ABYG kasi ako pa nainis sakanya or mas gago siya?
Posted Mar 1, 2026, 2:26 PM UTC