OA?
Hi, I'm a female Aquarius(Idk what to address myself Hahaha). Idk where to start pero I have some issues in the family. I'm the bunso sa 3 siblings pero feeling ko parang only child na lang ako. Ganito kasi yon, lahat kaming magkakapatid ay nasa school/college pa syempre wala kaming lahat sa bahay kasi both parents ko may work. Of course, pagkauwi namin we're so tired but we have to do household chores like cooking dinner, laundry, folding the clothes, washing the dishes, and so on. Ako yong palaging unang umuuwi sa bahay, syempre salo ko lahat ng mga gawain kasi nga I have more time kaysa sa mga late na makakauwi—alangan namang hintayin ko silang makauwi tapos pagod na pagod hanggang sa hindi na rin nagawa yong mga gawain dahil ayokong pagsabihan ako na walang ginagawa/ginawa at ayoko ring umasa na gagawin nila yong gawaing pagkauwi nila kaya ako na lang tong nag-adjust at ginawa ko na yong mga gawaing bahay para pag+-uwi nila, pahinga na lang sila.
Pero napansin ko lang kasi na sa tuwing ginagawa ko yon, parang araw-araw na nga eh, wala silang mga pake. Pag nakakauwi nang maaga yong iba kong mga kapatid lalo na yong kuya ko, wala lang. dedma lang sa mga nakalat na nasa bahay. hihintayin pa akong makauwi para lang may mag-asikaso roon. kapag inutusan mo yong kuya ko, aba, ilang beses mo pang kailangang pagsabihan para gawin. yong akala mong pasok yong mga sinasabi ko sa tenga niya tapos lalabas din yon sa kabilang tenga hanggang sa nasayang lang yong oras sa kakahintay na dapat tapos na yong gawain. yong kuya ko, siya yong tipo na hindi mo maaasahan. palala siya nang palala hanggang sa naiipon na rin yong mga tinatago kong galit sa kanila na kahit konti na lang sasabog na ako sa galit, baka nga umiyak pa ako sa galit eh. pero at the end of the day kakampihan pa rin lang naman ng parents ko yong nakakatanda sa akin. sino ba namang hindi ma-bu-burnout sa lahat? patong-patong na mga gawain sa school, mga walang sense na teachers, mga gawaing bahay, tapos mga attitudes pa ng pamilya mo—to the point na umiiyak na talaga ako sa galit kasi hindi ko alam kung paano ko haharapin yong naiipong galit ko sa kanila. maybe kasalanan ko kasi kinikeep ko yong mga nararamdaman ko sa sarili ko kasi alam kong hindi lang din naman nila ako pakikinggan kasi nangyari na to dati eh, sumabog ako sa galit, nagsigawan kami ng kuya ko, umiyak ako sa galit, and so on. nakakainis lang talaga kasi parang ako na yong nagpapaka-ate sa aming tatlo eh, yong ate ko walang pake sa amin. parents ko naman lalo na papa ko, alam nang mali yong pinaggagagawa ng anak niya hindi man lang niya pagsabihan, yong mama ko naman hindi kaya maging seryoso or hindi kayang pagsabihan yong kuya ko. nakakinis lang talaga. lahat ng mga maling pinaggagagawa nila, naiipon lang hanggang sa naiisip ko na magpakamatay na lang kasi wala rin lang namang mangyayari kapag nandito ako eh.
Posted Mar 1, 2026, 2:30 PM UTC