Work Rule: No MedCert = Deduction of 1 work day
Nag-absent ako nung isang araw gawa ng sobrang sama ng pakiramdam ko at non-stop na ubo. Magpapacheck up sana ako pero yung doctor na pinupuntahan namin ay closed pala. Mas mahal sa ibang clinics kaya nag decide ako na magpahinga nalang; absent nga ako dahil masama pakiramdam ko at hindi ko na kaya pumunta pa sa ibang doctor dahil nattrigger ng init ang ubo ko. Kinabukasan pumasok ako, at sinabing di nga ako nakakuha ng medcert (obvious naman na may sakit ako dahil ang lala ng ubo ko and kahit anong candy ko, makati parin lalamunan ko.) Pero walang consideration, nakaltasan parin ako dahil no medcert = deduction of 1 work day. Nabawasan na nga ako ng isang araw dahil sa hindi ko pagpasok gawa ng nararamdaman ko, kinaltasan pa ako. Total of 2 days worth of salary ang nawala sakin.
Posted Mar 1, 2026, 2:34 PM UTC