5 kotse afford, garahe hindi?
Money really cannot buy manners, ano? Kuhang-kuha nitong mga kapitbahay ng auntie ko yung pika ko eh π. If you guys can afford to have 5+ cars, shouldn't you find, or better yet, buy your own lot or space na malalagay niyo yung mga kotse niyo?
We rarely go home dito sa bahay namin na 'to, dahil nasa Manila kami most of the time because of work.
And itong mga kapitbahay ay tine-take advantage naman yun by parking their other cars sa mismong garage (open parking lot) namin o minsan sa tapat pa ng walkway ng bahay πππ»
Most of the time kami pa makiki-usap na kung pwede paki-usog yung kotse kasi kailangang mag-park. Ni hiya o pakiramdam na kapag nandito kami para alisin yung mga kotse nila, wala. Ni hindi magawa ng kusa.
I think yung one time na pinayagan sila ng auntie mga ilang taon nang nakakaraan eh tingin nila 10 years ang validity? And yes, kinausap na 'yan sila ng tita ko pero tingin ko masyadong "in a nice way" kinausap kaya until now namimihasa.
Gate? Balak na namin palagyan pero pinag-iipunan pa. Bale kami na lang talaga mag-aadjust pa para 'di na lang din kami maabala.
Posted Mar 1, 2026, 2:36 PM UTC