Hindi ko alam paano pa ko magiging ok. Adulting life ang bigat ng lahat
Coping mechanism ko ngayon mag share dito, wala na kong ibang sasabihan e. Bigat na ng lahat.
Sinisiksik ko sarili ko sa sulot ng kwarto tapos gusto ko talagang tumagos nalang sa pader kasi hindi pa sapat, sa lahat ng nararamdaman ko ngayon hindi ko alam pano i-unfold lahat lahat. Wala na ang isa kong work na part time at hanggang ngayon nahihirapan ako mag hanap ng full time job. Lubog ako sa utang at simula nanaman ng bagong buwan kaya sunod sunod nanaman notif ng bills sakin this month kahit di pa ko tapos mag bayad last month na mga bayarin tapos nakita ko upcoming income ko sobrang liit kaya todo kayod maghanap ng work pa. Natrigger nanaman ako sa mga nangyayari kaya di ko nanaman alam ano gagawin, gusto ko umiyak pero wala na ata nailuha ko na lahat last month. Naawa din ako sa tita ko na ginagawa din lahat para makapag trabaho kahit medyo pakuba na talaga likod nya, Hindi naman ako nagsisisi na pinagamot sya. Pumasok lang talaga etong 2026 na sobrang bigat at hindi ko alam anong kayod pa gagawin ko para makasurvive dahil parang pati ako susuko na. Mentally draining noh? Ang hirap. Wala akong ibang masabihan na nahihirapan na ko. Kami nalang dalawa tapos ang hirap pa humanap ng trabaho ngayon. Parang pinipisil ung ulo ko sa sakit mag isip pano na gagawin bukas, bawat araw mabigat. kitang kita ko bakas ng stress simula january sa muka ko at lalong hindi na ko makangiti sa situation na to. Praying nalang ang sandigan at hindi ko parin maiwasan magkaroon ng araw kagaya neto na sobrang bigat. pasuko na. hindi na alam anong paraan gagawin. ang dilim ng buong systema ko dahil sa mga dapat ayusin at bayaran at intindihin. Nagpahinga naman ako pero kulang pa rin. Hindi ko alam pano pa ko magiging ok.
Posted Mar 2, 2026, 4:06 PM UTC