silang lahat ay nakausad, pero ako magisang naiwan.....

Adulting Advice

After kong makagraduate, nagapply na ako agad ng trabaho and luckily, nahired din naman ako kaagad. Since first job ko 'to and literal na wala akong kakilala, natakot ako but at the same time nandon yung excitement. Okay naman, unti unti nakapag adjust ako. Nagagawa ko ng maayos ang trabaho at nakagain na din ng mga kaibigan. Doon ko narealize na sa trabaho, kahit napakadaming bagay ang nagawa mo ng tama at maganda yung isang pagkakamali mo ang mapapansin nila. Ipinahiya at sinigaw sigawan ako sa harap ng madaming tao. Dahil sa takot ko na maulit, ulit yon yung mga trabaho na hindi ko naman dapat iuwi ay inuuwi ko sa bahay para pagaralan at iimprove pa. Literal na nawalan ako ng pahinga.

Hanggang isang araw, napansin na lang ng mga kawork/supervisors ko na madalas na akong tulala o hindi naman kaya ay umiiyak sa trabaho at parang wala sa sarili. Later on nadiagnosed na may depression and anxiety na pala ako. Kaya pinagpahinga muna nila ako. Nagstruggle ako financially and emotionally. Ang mahal ng therapy/sessions at mga gamot. Naubos ang funds/savings ko. Wala akong makatakbuhan kahit isa. Nagreachout ako sa family , friends and even friends ko sa works but instead of help o pakikinig ang natanggap ko ay masasakit na salita o di naman kaya pambabalewala. Ganito pala talaga ang pakiramdam ng wala kang kahit sino.

Nakita ko yung mga kaklase ko noon, maayos ang buhay, masaya sa trabaho at nageenjoy sa buhay nila. Nakita ko din ang mga katrabaho ko at ganon din sila. Doon ko naramdaman na bakit parang lahat umusad, pero ako naiwan sa paulit ulit na cycle ng hirap, sakit at problema. Nagtry ako ulit magreach out sa kanila out of desperation, kasi kailangan na kailangan ko ng tulong dahil nagstruggle na talaga ako financially and emotionally, ngunit kahit isa ay walang nagreply/pumansin. Napaisip ako, na bakit noong sila ang nangailangan, kailanman ay hindi ako nagdalawang isip. Napagtanto ko, na siguro nga napagiwanan na talaga ako. Wala na akong pakinabang at may iniindang sakit , kaya sino ba naman ang makakakilala pa sa akin.

Pakiramdam ko, mawala man ako walang kahit sinong makakapansin sa akin.

Posted Mar 2, 2026, 4:16 PM UTC

24
Loading comments…