r/adviceph•
Purple8529

Normal ba na LAHAT sermon matatanggap mo s 18th birthday mo mula SA family mo?

Social Matters

Problem/Goal: May nagdebut na girl samin and I feel bad for her. Should I fell that way kahit na may kasalanan din siya

Context:

So nagdebut yung kapitbahay namin at sa kalsada tapat ng bahay nila ginanap yun, (Hindi Ako invited) ganun kase samin pwedeng sa tapat niyo magcelebrate ng birthdays, kasal, etc wala namang traffic sa barangay namin Kasi walang sasakyan. So nagdecorate sila at talagang pinaghandaan yung debut. During the celebration kung saan magbibigay na ng message sa debutante dun na nagkaproblem. So the girl is somewhat outgoing at irresponsible, yung tipong lakwatsera, palainom, at nagcucutting class which is not good if I may say. So during ng message making lahat ng family at ibang members ng clan nila puro sermon ang sinabi_ AS IN LAHAT, yung tipong ibubunyag lahat ng ginawa mo in public during one of the most important phase of your life, with matching microphone like they can't wait to broadcast it to the whole world. I even heard that one of the family members guilt tripping her because they prepare a debut for her kahit na ganyan siya at ang dami niyang pagkakamali. So tumagal yung sermon kasi pati yata pinsan ng parents niya sumali na.

I can fell na di siya nag enjoy kasi napahiya siya sa mismong celebration niya at buong barangay makakaalam dahil malakas pa sa 5G ang sagap ng Marites Broadcasting Agency sa amin. Sumilip Ako and damn, SHE IS COMPLETELY NOT HAPPY. Like she's humiliated but cannot get away from the place. Sino ba naman ang sasaya like hello her friends and classmates were there. I'm not saying na tama ang ginawa ni girl Kasi Hindi rin Ako sang ayon sa ginagawa Niya. I just think that the family shouldn't preach at that moment, like pwede namang private Diba Yung Wala Kang hawak na mic at walang kayo sa labas at lalong walang audience na malalapit sa Inyo. Nagkataong nakausap ko ang Isang relative na Hindi nakapunta kasi nasa malayo at nangamusta sa debunte kinabukasan sabi daw ni girl "Buti nalang di ka pumunta baka sumali pa" "Sana di nalang ako nagdebut". Girl must be traumatized by debut now. What are your thoughts mali ba Yun o Ako lang Yung may issue? Felling bad for her.

Posted Mar 4, 2026, 7:17 AM UTC

1936
Loading comments…