Is baranggay blotter enough after trike driver who hit our car lowkey threatened us?

Hi, just wanna get insights lang po if tama ang ginawa namin pag file ng blotter or there are other ways to report.

Got my Honda BRV VX last Oct 2025. Neto lang Jan 11, a tricycle hit out car habang nilalabas siya ng bf ko sa parking namin. It was night pero malakas ang ilaw so malayo ka pa lang makikita mo na may lalabas. Pero ang bilis magdrive nung trike driver at nabangga ang car.

Butas ang bumper at may mga garnish na umangat. Gusto nya “aregluhin” ng 1k at syempre di kami pumayag. Sabi ko need ko ng police report for insurance claim, at kung habulin man siya ng insurance namin, labas na kami dun.

Nag-papolice report kami at ang naging kasunduan ay makikipag cooperate siya sa insurance kung ano mang documents or kelangan hingin sakanya regarding the accident. Pumirma both parties.

The next day, dinala namin agad sa Honda ang car for the estimate. 48k ang inabot na damages. Nagbayad kami ng 2k inspection fee. Siningil namin kay driver ang inspection fee (iba pa to sa participation fee na kami ang magbabayad) pero wala kami sinabi sakanya na once paid niya ang 2k eh hindi na siya hahabulin ng insurance.

Feb 23 napasok na sa casa ang car. Today, tumawag siya samin ni bf na galit na galit dahil pinadalan na siya ng sulat ng casa. I kept explaining to him na sinabihan ko siya na labas na kami doon, dahil the insurance is there to protect us. Gusto niya tulungan ko daw sya dun sa natanggap niya na letter (implying na ipaurong ko yung pagsingil sakanya) so I told him na di ko na control yun.

Nagsabi pa siya na sana daw e nung napaestimate ang repair cost, sinabi sakanila at willing sila ipagawa sa labas. I told him na di naman kami papayag na sa labas irepair (obviously) at dito na kami ginamitan ng “mahirap card” saying kawawa daw ang mahirap sa ginagawa ko as if super yaman ko naman.

He then said threats like “pasensyahan na lang pag di ko naparehistro to” “susunugin ko na lang tong trike sa harap niyo” and when offered sa magusap sa baranggay, sabi niya sa kalsada daw kami magusap para “magkaalaman”.

We called our insurance for advice and they told us to file a report. Nagfile na kami ng blotter dito sa brgy namen, but since diff brgy siya nakareside, need na mag file din ng blotter dun kung gusto namin siya isummon.

Bf and I got concerned for our safety dahil alam niya ang address namin, at dito siya madalas sa street namin dahil may terminal dito. Isa pa, madalas magisa ako sa bahay dahil onsite si bf.

For now di muna namin siya ipapasummon, but if he continues to harass us, we plan to do it. Nauna kami pumunta sa police station actually and they said na brgy muna at pag di nagkasundo dun, then saka kami pwede mag sampa ng kaso.

Just want to check lang po if may nakaexperience na ng ganito dito and how you handled it.

Appreciate any insights!

Posted Mar 4, 2026, 12:11 PM UTC

18
Loading comments…