I feel hopeless again
Hello. I'm 30 y/o. Female. I'm alcohol dependent. I'm bipolar-2. Has major depressive disorder and generalized anxiety disorder. I was diagnosed and hospitalized on year 2021. Na-hospital ako kasi nabagok yung ulo ko after ko mag inom ng beer at nag overdose ng gamot.
I relied on medications for 6 months but I decided to quit because feel ko walang nangyayari at mas lumalala lang yung anxieties ko and I feel anhedonia.
Alam ko naman na sa self ko na there is something wrong with me, even before pa ako nakapag-decide na talaga to consult a psychologist and a psychiatrist. Yung time lang na yun (2021), na parang hindi ko na kinaya ang lahat. Mga silent battles, lots of frustrations, heartbreaks, past and childhood traumas. Alam nyo yung feeling na, kelangan mo labanan lahat habang tumatanda ka. Pero the more na mas tumatanda ka, na-rerealize mo lahat ng mali at pangit na nangyari sayo, and hina-hunt ka nalang. Once ma-trigger ka na, you just worry a lot, get angry, and minsan nagseself-pity na. And nagpa-pile up lahat until na sumabog ka nalang talaga.
I thought nung mga times na naging okay ako, okay na talaga ako. I thought na tapos na ako sa depresyon na yan. Akala ko kaya ko nang kontrolin yung mind ko. I thought kaya ko lang ulit i-adjust yung sarili ko dahil akala ko nalagpasan ko na. Pero ang daming triggers. Ang dami kong naiisip. Ang dami kong worries. Insecurities. I always feel angry. Parang napaglalaruan yung emotions and feelings ko. I do self-harm, pero matagal nang hindi. And natatakot ako na baka gagawin ko nanaman ulit. Pero halos gabi-gabi akong nag iinom at nag yoyosi. Lumalala na ngayon. I feel no joy anymore. Marami akong naiisip gawin at dapat gawin. Pero wala talaga akong motivation. Hinihila ako ng depression at stress. Parang galit ako sa mundo. Sa lahat. Sa lahat ng nangyari sakin.
Posted Mar 5, 2026, 2:24 AM UTC