24 [F4M] Gusto ko ng kausap na hindi conyo, hindi over sa pagka-gymrat, at hindi malandi.

New Friends

Irita kasi ako pag ganyan 😭 Mostly ng mga lalaki dito, parang template: conyo, gymrat, o malandi agad. Hindi ko sinasabing masama sila ha, umay lang ako.

Hindi kasi ako makasabay pag conyo kausap ko. As a kanal-humor girly na medyo balasubas makipag-usap (JK… or not), nahihirapan ako makipag “so like, I was literally—” wtf??? 🥹

Tapos yung gymrat… okay lang naman mag-gym, go get that body. Pero yung halos kulang nalang ipa-tarp nilang nag g-gym sila kaka-lowkey flex nila sa mga girls na kausap nila??? Ygwim? HAHA 😭

At lalong lalo na yung malalandi agad. Unang chat pa lang: “cuddle tayo?” Tapos maya’t maya: “kumain ka na ba?” Oo teh, kumain na ako. Wala naman sa inyo pinggan namin. Kalmahan mo! Taragis 😭

Yoko din nung madaming intro beh pag nagchachat. Yung kulang nalang din sabihin saken zodiac sign ng aso nila??? 😫😫😫

Wala bang iba? Yung hindi scripted, may sariling personality, medyo pang-alien ang atake HAHAHAHA jk (pero not jk).

Sorry kung demanding ang atake ko. Baka nga dapat hindi na lang ako maghanap ng kausap at kausapin ko na lang si Simsimi 🤣

Pero ayun nga… kung meron man, sana yung hindi 5’5 pababa. Sorry i’m not into short guys kasi maliit din ako eh baka magmuka lang tayong oggy and the cockroaches nyan beh 🥹 and yun hindi po trentahin, kasi seryoso na sila, baka bigyan ako ng life lessons eh tawanan ko lang 😭 Malaking plus rin kung nasa Medfield ka beh. Lakas dating sakin ng mga nasa Medfield HAHAHAHAHAHA (Lalo mga Nurse 😝)

Posted Mar 5, 2026, 2:25 AM UTC

4044
Loading comments…