OA lang ba ako? Or break na talaga kami?
Just for context, I'm (25F) in a relationship (25M) for four years already with an avoidant attacher bf.
Ang dami na naming pinagdaanan. At sobrang lalim na rin ng pinagsamahan namin. Tipong maalala ko lang sya, mapapangiti ako or tatawa ako mag isa. 4 months na kaming ldr since nag bakasyon ako dito sa province at hanggang sa nakahanap na rin ako ng work dito. Sya naman, nasa manila. Halos wala syang time sa akin kasi sobrang babad nya sa work. And i trust him naman kasi ganun nga talaga sya kahit nung magka-live in kami. Trabaho uwi lang. Kaya ngayong ldr kami, chats lang talaga and sometimes video call.
Kanina, anlala ng emotional argument namin. Hindi nama nagtagal yung argument. Like, 5mins lang siguro sa chat. Naalala ko nung first year namin, sabi nya ayaw daw nya ng minumura sya kasi daw di nya yun makakalimutan. Pero kanina, minura nya ako indirectly. Hindi lang ito yung time na minura nya ako indirectly. Sinasabihan nya ako ng arte amputa, letche, amp. Mga ganyan ba. Tas hindi ko sya binabawian ever na murahin sya kasi nga naalala ko yung sinabi nya sakin noon.
Ilang times na na inadjust ko yung emotions ko para hindi sya mastress or ma-trigger. Pag kasi masyado akong emotional, nag sshut down sya tas mag aavoid na. So kanina, hindi ko na natiis. Minura nya ako sa chat indirectly. "Arte anpota" (For context: sinabi ko sakanya na ansungit nya mag type kasi sobrang dry, tapos maglalaro sana kami ng online game kaso ang dami nyang hanash kaya sabi ko wag nalang mag laro, tas yun sinabihan na nya ko nun)
Eh napikon ako. Sobrang hateful ng reply ko. Minura ko sya. Sinabihan ko sya na kupal sya at tangina mo pala e. Sobrang sarap sa pakiramdam na finally minura ko sya after all those years na tiniis ko yung indirect nyang mura.
After ko syang murahin, binlock nya ako. Lol. Tas ayon, nag spiral down na ako. Iyak na ko nang iyak. Di na alam gagawin. Like, break na ba talaga, need lang ba nya ng time alone? Like ano ba? Ngayon nag sisink in sakin. Pero ewan ko. Break na ba talaga kami o ang oa ko lang to think that? Kasi if ever, gusto ko nang tanggapin na break na kami para maka-move on na ako at makapag detach na sa isang fucking loser.
Posted Mar 5, 2026, 11:45 AM UTC